Followers
Monday, February 21, 2011
Ballpen
Bumili nanaman ako ng ballpen. Ewan ko ba kung bakit ako bumili ng ballpen. Hindi naman ako madalas bumili ng ballpen, minsan sapat na nang hihiram ako ng ako sa mga classmate ko. Parang kelan lang kasama kitang bumibili ng mga gamit, pero mas madalas gamit mo ang binibili natin. Lagi ka lang talagang nagpapasama. Here I go again entering a viscous cycle. Thinking na kasama pa din kita. Ang hirap palang mag panggap na aokay ang lahat, na masaya ako ng wala ka. Ganun ba talaga yun? Pag sa isang bagay nasanay ka na mahirap ng iwasan. Just like addiction. For me, addiction is a choice. You have the choice wheteher to be an addict or not. Ganun kasimple.
Ayos pa ba ako? Hindi ko alam ang sagot sa tanong. Hindi ko alam ang sagot. Ngayon ko lang napansin blue pala yung ink ng ballpen (sino ba ang niloloko ko nung una pa lang blue na yan.). How ironic, hinid naman kasi ako gumagamit ng blue ink ballpen.
Pila ng FX..
Habang nasa pila ako ng FX sa Farmer's bumabalik ang lahat. Bumabalik ka, bmabalik ako, bumabalik ang tayo. Naaaliw ako magisa, pero mas masaya kung kasam kita. hindi pala ganun kadali ang maging magisa. Feeling ko ako ang mali at ikaw ang tama.
Only Exception
Ang haba pa rin ng pila. Naiinip na ako. Katatapos langtugtugin ang "only exception" sa palylist ko. Bakit ganun ang daming bumabalik ng dahil sa ballpen. Sa isang simpleng ballpen na wala namang kinalaman sa relasyon natin pero may malaking part sa nakaraan. Hindi ko alam, wala akong alam. Hindi ko alamkung may malalaman pa ako, pero isa lang ang gusto ko ang basahin mo ang article na to na sulat gamit ang blue ballpen ko.
Tuesday, February 1, 2011
YOUNG LOVE: First love, Casual Love and Sweet love
Ang lahat ay parang bumalik. Lahat ng tinatago kong alaala, lahat ng gusto kong kalimutan ay unti-unting bumabalik mula sa nakaraang pilit kong nilibing sa limot. Lahat ng ito ay nagbalik ng makita kitang muli. Ikaw na una kong minahal. Ikaw na aking FIRST LOVE.
Si Michael ang first love ko. Halos lahat naman ata nakakaexperience ng FIRST LOVE. At siya ang akin. Naging masaya naman kami. We went out, go in a date, hold each others hand. Lahat na ata ginawa namin. Madalas kaming mag-away. Magaaway, tapos magbabati, tapos sweet ulit then fight again then do the same routine. Lagi nalang ganun. Paulit-ulit ang same routine. Hanggang sa dumating ang araw na magsawa na siya sa paulit ulit na ginagawa namin. Kaya humingi siya ng kalayaan. Muli niyang hiningi ang mga pakpak na aking tinago para hindi siya makalayo. He’s been the best thing God ever gave me and now His taking it back. He’s an answered prayer that turn out to be a big disappointment. Ang gusto niya mabago ang mga ginagawa namin. Ang gusto niya mabago ang lahat.
Noong gabing iyon, pumunta siya sa bahay at walang pagaatubili na pinapasok ko siya sa aking kwarto. Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko alam ang sasabihin ko. Walang nagsasalita walang kumikibo walang kahit ano na lumalabas mula sa aking bibig. “tama na. Tapusin na natin to” Mga katagang kanyang binitawan. Gusto ko man siyang pigilan pero alam ko wala akong magagawa, alam kong hindi ko na siya mapipigilan. Alam kong tapos na ang aking unang pag-ibig. Hinalikan niya ako sa aking labi, at alam ko ang halik na yun ay isang halik ng pamamaalam. Wala ng halong romance, just pure goodbye.
Hindi ko na siya napigilan. Hidi ko na napigil ang pagalis ng aking unang pag-ibig. Dumaan ang mahabang panahon. Iyak at kalungkutan ang bumalot sa aking buhay. Ayokong magisa. Ayokong matulog ng magisa sa aking kama, ayokong gumising ng umaga ng walang malabing na text na gigising sa akin at sa gabi walang magtatanong kung kamusta ang naging araw ko. Ayokong maging single.
Ilang araw na napunta sa lingo na nauwi sa buwan. Siguro nga dapat ko ng subukin na mabuhay ng wala siya. Ang alak ang nagging kasama ko sa pagtawid sa kalungkutan. Dahil sa alak marami kang makikilala madaming makikishot, madaming sasamahan ka sa pag-inom mo. Dun ko nakilala si “AL”.
Si Al ay isang istudyante sa isang sikat na paaralan sa Maynila. Hindi man siya madalas magsalita, pero agad niya akong naiintindihan. Hindi man ako magsalita alam na niya ang kailangan ko.
Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya pinagaralan mahalin. Tawag ng laman lang siguro ang namamagitan sa amin. Ginamit ko lang siya para makalimutan “siya”. Tama nga sila may mga taong mamahalin ka ngunit kahit kalian hindi mo matututunan mahalin At yun ang tinatawag na “CASUAL LOVE”
Inuwi ko siya sa aking kwarto dun nakilala ko ang tunay na siya. Mabait, matalino at mahal ako. Ngunit hindi yun sapat para magtagal siya sa aking kwarto. May mangyari man sa amin, pagsikat ng araw ay makaklimutan ko na din yun. Ganun siguro talaga ang tulad ko. Ang kati ng laman ay para lang makaraos, para lang makatawid. Alam ko kasi hindi siya ang taong dapat sa akin hindi siya ang mahal ko, at sa tingin ko hindi ko na siya mamahalin pa.
Pinalitan ko si Al. Ganun pa din Walang pagbabago. Naghanap ako ng taong tatanggal sa sakit, sa lungkot, sa hirap pati na din sa libog. Kailangan ko ng taong mahal ko yung sigurado akong mahal ko talaga hindi dahil sa yaman, sa katalinuhan at lalong-lalo na hindi dahil sa libog lang.
Inabot ako ng halos isang buwan bago ako lumabas ulit. Wala na akong maisip na dahilan. Blanko na ang isip ko. Gusto kong magrepormat.
Dahil sa kagustuhan kong makalimot umalis ako ng kwarto ko. Nilisan ko ang masikip kong kwarto at pumunta sa isang BAR.sa kung saan marami akong makikilala marami akong makikita basta marami.
Dun ko nakilala si GLEN. Mas matanda siya sa akin. Inisip ko na pwede na to kesa wala. Kaya pinatos ko na. Kuya ang tawag ko sa kanya kaya tinuring niya akong bunso. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya nagmamadali. He handle so many things all at the same time without pressure. Isa siyang Engineer. Marine Engineer. Madami man siyang ginagawa nagagawa niya yun ng tama sa oras at walang mali.
“You don’t have to rush things up. Pag lalo kang nagmamadali lalo kang magkakamali. Ang pag-ibig parang trabaho lang. Kung magmamadali kang makahanap ay lalo kang mapupunta sa maling lalake. Wag kang magmadali ng hindi ka magkamali.”
Iba siya sa mga nakilala ko. Sa tingin ko mahal ko na siya. Siya ang SWEET LOVE ko. We never rush things. Lumalabas kami. Watching movies, eat meals together, sleep together. Para na kaming mag-syota ang kulang nalang ay ang mga katagang “I LOVE YOU” at “OO TAYO NA”. In short walang closure. Gusto ko man maging kami ngunit hindi ko din alam if he feel the same way. Ang alam lang naming we love each other not in words but in action.
Sa tingin ko nahanap ko na ang taong papalit sa kanya. Sa tingin ko siya na talaga. Si Kuya na talaga. Madaming bagay na tinuro sa akin si Kuya. Hindi lumampas ang mga araw na wala akong natututunan sa kanya. He’s like perfect to me.
Hindi ko napansin ang paglipas ng mga araw. Dumating ang panahon na kailangan akong iwan ni Kuya. Pupunta na siya sa London para dun magtrabaho. Iiwan na niya ako. Wala na akong Kuya babalik nanaman ako sa dati.
Dalawang araw bago siya umalis dinala ko siya sa aking kwarto. Nagusap kami. Nagiwan ng pangako sa isa’t-isa. Walang nangyari. Pinangako niya na he’ll always gonna be there. Para saan pa at nagkaroon ng FACEBOOK at TWITTER. He promise me na hinid niya ako iiwan na clueless. At bago matapos ang gabi, bago sumikat ang araw bago siya umalis patungong London narinig ko sa mga labi niya ang mga salitang halos limang buwan kong hinintay niyang sabihin sa akin. Sa wakas kami na at wala ng makakapigil pa.
Habang sinusulat ko ‘to katabi ko na siya ngayon. Katabi ko na si KUYA ko. Kagagaling niya lang sa London at heto na siya sa tabi ko nakatingin sa akin. Naging diary ko siya ng lahat ng bagay na nangyari sa akin, naging saksi sa lahat ng paghihirap at saya ang bumago sa akin. Ang nagbigay ng totoong ako.
“You will meet thousand of people and none of them catch you, but there is this one person that will change your life forever.”
Subscribe to:
Posts (Atom)