The Sign
Humingi ako ng sign, pero bakit ganun? Siya at siya parin yung binibigay. Sabi nila maniwala ka at abutin mo, pero nung inabot ko siya may bigla akong naisip. Sa pag-abot ko sa kanya hindi na pala ako nakatapak sa lupa. Parang wala na ako sa reyalidad. Nag-aabot ng hindi ko naman abot, naghahangad ng isang bagay na mapupunta lang rin pala sa iba.
Pero binigyan “NIyA” ako ng pagpipilian. Ang patuloy siyang abutin at pangarapin o ang tumapak sa lupa at sabihing “hindi siya para sa akin” Hindi ko talaga alam kung sinuko ko na talaga ang laban…Hindi ko nga din alam kung patuloy pa rin akong gumagawa ng paraan para kahit papaano ay mapansin niya.
“Talaga ngang hindi lahat ng gusto mo mapapasayo, baka nga meron pa diyang iba.”
Ngayon natutunan ko na magkaiba pala ang langit at lupa, ang tama at mali. Pero pilit ko pa rin pinipilit ba sana bumaba siya sa lupa mula sa langit at saluhin ako mula sa pagkakahulog sa isang malalim na bangin.
Sana sinabi nalng niya na tumigil nalang ako, dahil kahit kalian walang katuturan ang pag-abot sa mga bituin na hindi naman para sa akin.
No comments:
Post a Comment