Ang tumal ng araw na to. Grabe dumaan lang ang araw na ‘to ng parang wala lang. Hindi naman talaga ako mahilig magsulat. Nasusulat ko lang t ongayon dahil na rin sa nabasa kong libro ni Bob Ong. SHIT! Ang lupet niya. Kahit na ganun yung kwento it never fail the reader to expect something. Kahit mejo bitin ang kwento okay lang. Ano ngyari sa bida namantay ba siya? Paano na si Nico anong nangyari kay Jezel? Ang daming tanong sa utak ko matapos kong basahin yung libro. Ang sakit sa ulo pag bitin. Ang hilig talaga mambitin ng mga writer.
Ang sakit sa bangs! Ano ba ang gagawin ko? Magrereview? Ng ano? Paano ako magrereview ng walng reviewer paano ko aaralin ang mga lecture ng Prof ko na hindi ko naman maintindihan magsalita. Magsusulat ba ako ng mga report ng reporter na hindi naman seryoso sa ginagawa nila. Paano na?!
LECHEflan!! May sipon pa ako!! Ang hirap huminga. Barado ang ilong ko. As of the moment na sinusulat ko ‘to malamang hinid ko na alam ang gagawin ko sa sipon ns ‘to.
Ang dami kong gusting gawin. Ang daming nasa isip ko. Magbasa kaya muna ako. Nang ano?! Halos lahat na ata ng book sa room ko nabasa ko na. hindi din naman ako nagtetxt. Ewan ko ba this past few days halos weekends nalang ako nagpapaload. SHIT!! Ang gulo ko may connection ba ang sipon at load? HMMF..
Gabi na. hindi pa di ako tulog. Malamang bukas ubod nanaman ako ng antok. Bukas na din pala ang libing ni “jed” hindi ako makakapunta. Wala naman akong pera and besides alam ko naman na maiintindihan ako ni jed. SORRY JED! J
Bakit ganun may namamatay na mabait tapos may namamatay ng mabuti? Kainis. Kung sino pa ang mabuti siya pa ang nauuna. Kung sabagay alam ko naman na nasa langit na si jed with God. J
Ang kati ng ulo ko. BALAKUBAK nanaman ‘toh. Ang lamig na nga pero naka 3 ang electrif fan ko. Kamusta naman yun. Tinatamad akong magsulat kaya kahit anong pumasok sa isip ko isusulat ko (type actually naka Laptop ako).
Time check 9:35pm. Late na. okay lang wala naman akong pasok bukas. Okay lang kahit late ng magising wag lang hindi na magising. HAHAHA. Ang bilis ng panahon pero parang walang nagbago. Ganun pa din ako. Naglalaro ng mga laruan. Makalat pa di ang kwarto ko. Nagkalat ang mga libro, damit, papel atbp. Para na ngang JUNK SHOP ang kwarto ko. I wonder, kamusta kaya ang bahay ko kapag nagkaroon na ako?
O sige bukas nalang to. Ang dami kong iniisip. Manonood amo ng ‘P’ para makatulog na. GOOD NIGHT.
No comments:
Post a Comment