I was just 18 when I start dating with guys, and most of my friends call me “EHM.”.
As my early stage of dating I meet this guy “Robin”(Di niya real name) Actually hindi naman kame close. Classmate lang kame sa isang subject(BioSci). Most of the time he hang-up with his own group of friends, hanggang tingin lang at ngiti pagnagkakasalubong ang nagagawa ko sa kanya. But at that time hindi ko pa siya gusto. Until destiny reveals our own faith on crossing each others road.
Yung tropa niya kasi niligawan yung bestfriend ko at dahil dun most of the time magkasama na kaming apat. Most of the time kami ang magkasama ni Robin, dahil na rin yung mga bestfriends namin ay magsyota na. Sabay kaming magreview sa BioSci at sabay na din kaming kumain, at hanggang sa dumating na yung panahon na halos sabay na kaming umuwi.
Halos araw-araw na din kaming laging magkasama, at tulad ng mga nangyayari sa mga telenobela ay unti-unting nahuhulog na ang loob ko sa kanya ng hindi ko namamalayan. Dumaan ang panahon at halos lagi kaming nagkikita. Actually nung mga panahon na yun may girlfriend pa siya at pag may problema silang dalawa eh ako ang nilalapitan niya.
Alaam ko naman na kahit kailan ay hindi siya maiinLOVE sa akin (STRAIGHT GUY) kasi siya nun. At tulad ng mga palabas sa sine, lihim akong umibig sa kanya. Halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin, kahit sa simpleng pusa na lubos kong kinakatakutan eh alam niya, pero ako wala akong alam na kahit ano sa kanya hanggang sa pangalan at number ng cellphone lang ang alam ko sa kanya.
Tapos na ang sem na magkaklase kame. At alam ko din ng mga sandaling iyon na hindi na kami magkikita. Until dumating ang enrollment at laking gulat ko na almost lahat ng subject namin ay magkaparehas. Muling nabuhay ang puso kong lihim na nagmamahal. Lalong lumukso ang puso ko ng marinig ko ang sinabi niya na “Mamimiss kasi kita kaya pinilit kong hanapin ka” At dun nabuhay ang aking isip upang isispin na siguro nga ay may maliit na percent na pwede ngang maging kami. Dun nagsimula ang pagasa ko na kahit papaano eh mapansin man lang niya.
Naging masaya ang pagsasama naming dalawa kahit bilang magkaibigan lang hindi man maiwasan ang away eh naging masaya pa rin kami sa piling ng isa’t-isa. Hanggang dumating ang panahon na kailangan kong aminin ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Nakaupo kami sa isang coffee shop kung saan maraming tao upang di siya makagawa ng isang eksena.
EHM: mahal kita, higgit sa pagkakaibigan.
ROBIN: ayos ang trip ah(sabay higop ng kape.)
EHM: muka ba akong nagbibiro?
ROBIN: (seryosong nakatingin sa akin)
EHM: Ano? Seryoso ako. Its been almost a year that I never dated a guy, and it is all because of you. Akala ko aabot tayo sa commitment stage pero…..
Hindi pa man ako tapos sa aking sinasabi ay sumingit na siya.
ROBIN: Bakit sinabi ko bang wag kang makipagDATE? Sinabi ko din ba na ubusin mo ang buong oras mo kakasama sa akin?Sinabi ko din ba na mahalin mo ako?
Wala akong maisagot, nahihiya ako. Tama siya. Lahat nga yun ay hindi niya sinabi, masyado lang akong nag take advantage sa kabaitan niya at sa mga sweet moment namin. Gustuhin ko mang tumayo pero hindi ko magawa. Parang feeling ko merong kung anong humahatak sa aking paa para wag umalis sa aking kinauupuan. Gustuhin ko mang umiyak pero hindi ko magawa walang luhang pumatak sa aking mga mata at wala rin akong mahanap na salita para makipag ussap sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tumayo siya ng walang sinasabi, at tulad ng dati nagiwan siya ng unting bakas ng kape sa kanyang tasa. Naglakad..Naglakad na siya palayo sa kinauupuan namin sa loob ng coffee shop hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng coffe shop.
I was speechless, gustuhin ko man siyang habulin pero di ko magawa natatakot ako na baka i-reject niya ako ulit. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung nirereject ako. Tumayo ako sa aking kinauupuan kinuha ang natitra kong kape at naglakad palayo sa lamesa at upuan na naging saksi ng aking pagkabigo.
Hawak hawak ang aking kape, naglakad-lakad muna ako sa mga stall ng mall. Bawat stall may ala-ala naming dalawa. Ewan ko ba kung bakit ko biglang nilagay sa bag ko ang cellphone ko , siguro nga umiiwas ako sa isang bagay na hindi ko naman talaga alam kung ano.
Ang weird talaga nag mga nangyayari sa akin. Parang nasa isa akong “viscous cycle” yung tipong bigla nalang pumapasok ang mga ala-ala kahit hindi ko naman ito isipin. Sa sobrang dami na ng alaala eh parang sasabog na ang utak ko. Kaya matapos kong lumabas sa aking “unreal world” naisipan ko ng umuwi.
Paguwi ko sa bahay agad akong pumasok sa aking kuwarto. Binuksan ko ang ilaw. Agad na sumambulat sa akin ang mga larawan na nakadikit sa aking salamin, karamahan dito ay litrato naming dalawa. Bigla akong natawa yung tipo ng tawa na wala namang nakakatawa. Kasabay ng aking pagtawa ay ang pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata. Ang mga luha na sana kanina pa bumagsak bago kami maghiwalay ni Robin.
Ang magulo kong kuwarto ang nagpapaalala sa akin ng magulo kong utak kaya naisip ko na linisin ang kuwarto ko, baka sakali na pag naayos ko ang kuwarto ko ay maayos ko na din ang magulo kong utak. Haaaayy. Isang mahabang Haaaay..
Halos dalawang oras kong nilinis ang kwarto ko pero gayun man ay bigo akong linisin ang MAGULO KONG UTAK.
Malinis na ang kuwarto ko, tama nga si Robin, masarap matulog sa isang kuwarto na malinis.
Halos nakalimutan ko ng kumain, pero alam ko sa sarili ko na hindi ako gutom. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko laking gulatko na makita na meron akon 21 missed calls at 112 messages. Ganun na ba katagal simula ng hindi ko hinawakan ang cellphone ko? Pero mas malaki ang gulat ko ng makita na halos lahat ng missed calls ko ay galing kay Robin. At halos lahat din ng messages ko ay galing sa kanya.
OIST!!nkauwi knb? Sa lht ng mga cnvi mo, lahat yun gus2 kng pnwlaan, pro mrong 1 parte ng uTk ko na pumipgL. Auq mwla ang frendxip nTin kaya ngayon, “LET’s STAY THE WAY WE KNOW EACH OTHER BEFORE, AND THINK THAT NOTHING HAPPEN.”
Robin
Bakit kaya ganun ang mga nasabi ni Robin hindi ko alam kung bakit pero ang mga katagang yun ang naging sanhi kung bakit hindi ako nakatulog.
Dumaan ang mga oras ng napaka bilis, oras na para pumasok. Oras na para harapin ang katotohanan tungkol sa text na iyon.
Pagdating ko palang classroom ay naroon na si Robin, tinignan niya ako at sinuklian ko naman siya ng isang ngiti. Masyadong mahaba ang oras ng mga panahon na iyon feeling ko sasabog na ako anytime. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para makapagusap kami.
EHM: ahhm Robin, about dun sa text mo last night?
ROBIN: lahat yun totoo.
EHM: sorry sa lahat, ng mga sinabi ko ah. Don’t worry ignore mo nalang lahat ng iyon.
ROBIN: sige ba i-gnore ko yun KUNG KAYA MO DIN I-IGNORE.
Tama siya, kaya ko bang i-ignore ang lahat ng iyon, sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya? Wala akong nasabi natameme ako sa mga sinabi ni Robin. Hindi ko kayang kalimutan ang lahat ng sinabi ko sa kanya, at kahit anong pilit kong paglimot ay may mga maliliit na bagay na muli lang magpapaalala sa akin sa mga pangyayaring iyon. Wala akong naisagot at ang huling katagang narinig ko mula sa kanya ay “BUMALIK KA KUNG KAYA MO NANG I-IGNORE ANG LAHAT NG MGA SINABI MO.”