Habang tumatagal ang panahon hinid ko na nakikilala ang sarili ko. Hindi na pamilyar sa salamin ang reflection na nakikita ko. Sino na ba ako? Ano na ako ngayon? Kilala pa ba ako ng mga taong nakapaligid sa akin.
Sabi ng iba "hindi naman talaga nagbabago ang tao, hindi nalang niya kasi nari-reach ang mga ecpectations sa kanya kaya nila sinasabi na nagbago ang isang tao." ganun na ba ako ngayon? Ano na ba talaga ako? Did I turn to a rebellious monster who doesn't follow anyone? O ako pa rin to? Ako pa rin ang dating ako. Hindi ko na alam. Wala na akong alam.
Ganun pa din. Hanggat humihinga ako, nagpapalit ang panahon nalalagas ang dahon ng puno ay patuloy pa rin ako sa pagbabago. Maging masama man o mas maging masama. Maging katuwatuwa sa iba o kainisan ng lahat ay mag babago tulad ng pagbabago ng bawat bagay dito sa mundo. Hindi ko alam kung kailan titigil ang pagbabago ko at kung kailan ako hihinto. Isang bagay lang alam ko na patuloy sa pag ikot ang mundo at walang sino man ang makakapag paigil nito.
Sa bandang huli minahal ko din ang pag babago ko. Naging masama man sa iba hindi ko man sila napasaya. Ganun pa din ang buhay. Minsan, may mapapsaya ka at may maiinis ka. Its what they called "BALANCE"
EMBRACE THE CHANGE.
No comments:
Post a Comment