Sa pagdaan ng panahon nakasanayan ko ng mag diwang pag-21 . Madalas akong lumabas, manuod ng sine mag-isa kumain ng dinner sa mga restaurants. Mag isa ko lang ginagawa ang lahat ng yun.
Dumaan ang lahat ng 21 sa kalendaryo. Lumipas na ang mga araw. Nalanta na ang mga dahon sa puno. Pero wala pa ding nangyari. Nakakulong pa din ako sa nakaraan, sa mga ala-ala na nilikha nating dalawa. Hangang ngayon umaasa pa din ako na babalik ang dati. Na babalik ang "tayo".
Lahat ng to ay kasalanan mo. Sinanay mo akong mahalin ka at kalimutan ng magtira ng pagmamahal sa sarili ko. Nakalimutan ko ng hinid lang pala sa iyo umiikot ang mundo, na hinid lang ikaw ang nagbibigay ng kulay sa aking buahy(kailangan tugma talaga). Hindi ko na alam kung asan ako ngayon. Nakakainis ka. Ano ba ang meron ka na wala sila? Ano bang wala ka na kahit na punan pa rin ay kulang na kulang pa din para sa akin. Bakit hinid ko masagot ang sarili kong tanaong?
Sa mga larawan ng nakaraan ko nalang gustong balikan ang nakaraan. Sa mga masasayang alaala ko nalang gustong makita ang maayos nating ugnayan. Why can't we back together?. Pagaod na akong magsalita. Pagod na akong magkwento ng masasayang kwento na kabaliktaran ng realidad. Nakakasawa na ang ganito.
Sa pag lipas ng araw na to pipilitin ko ng kalimutan ang tungkol sayo. Ang tungkol sa atin. At tungkol sa mga ala-ala na nilikha natin. Sawa na akong pag siksikan ang sarili ko sa isang taong hindi man lang marunong lumaban at hinid malaman ang tunay na kahulugan ng "kaligayahan at pagmamahal"
Masaya ka na ngayon. Ngayon pipilitin ko naman sumaya, o mas tamang sabihin na mas magiging masaya pa ako simula sa araw na to.. Paalam. Sa huling apag kakataon nag papaalam na ako sa'yo at sa mga memorya mo. Sa maliliit na detalye na nagpapaalala sa yo. Paalam na.
Mahal kita, pero habang dumadaan ang bawat araw napapagod na ako sa paghihintay ng iyong pagbabalik. Ang pagmamahal ko sa yo ay tulad ng iyong relo. Hindi mo alam kung bakit mo pa sinusuot kung alam mo ng hinid na gumagana.
No comments:
Post a Comment