Wala naman talaga akong paki sa kanila. Masaya na sila sa piling ng isa’t-isa so ano pa ba ang laban ko?
This past few days hindi ko na siya nakaka text. Muka kasing busy na siya sa pag gawa ng kanyang perfect love story, samantalang ako heto nghihintay ng prince charming o kaya kahait sino na sasagip sa akin sa kalungkutan (payag na ako kahit si Shrek pa siya).
Ang haba ng araw. So I decided to sleep, baka kasi sakali mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Friday night is the best night to have some fun at kalimutan ang lahat ng problema. Sanay na akong gumimik ng mga bar nung 16 palang (wag ka ng umepal kung paano ako nakakapasok ng bar sa edad kung yun) kya alam ko na ang gagawin hindi ko na kailangan pa ng mga sign basta Friday night, its GIMIK TIME!So I text all my beckies and fag girls around the metro to look for someone to accompany with.
JM at Lara
J: Malate tayo?
L: Now na? Anong meron?
J: hindi bukas pa!(vice ganda tone) bakit bawal na ba?
L: okey prob for sure yan awaitsung mu lang aketch sa inyo dalhin mo si chot-chot?
J: bala na si batman. Keri na yan ah!
L: okie doike pokie!LOL J
Hindi naman talaga ako madalas pumunta ng Malate. Mas madalas nahahatak lang ako ng mga tropa ko na pumunta dun (Pero gusto ko rin naman). Madalas si Lara ang kasama ko pag nasa Malate ako, nagkakaintindihan na kami kung saan lagi magkikita. Pag sila ang nagyaya madalas happy ever ang drama pero pag ako ang ng yaya mega dramarama ang dating nun kaya heto ako at ang bestfriend/close pinsan/karibal basta siya na! THE BEAST siya ay BEST pala. J
Ang dami na ng nagbago sa Malate. Ang mga bading ngayon parang mga bruskong lalake na pakalatkalat sa buong kahabaan ng Orosa-Nakpil. Haaaaay(super habang buntong hininga) dati-rati alam mo na agad ang tunay na lalake sa bading pero ngayon ay jusme ang hirap hanapin kung sino ang straight at sino ang berde ang dugo. Talaga naman totoo ang kasabihang “hinid lahat ng lalake ay gwapo, at hinid lahat ng gwapo lalake”. Sa dami ng mg paminta, bisekleta at beckimons dito andito ka rin ba? Kasama mo kaya siya? Sa paglilibot namin hindi lang pala yun ang mga nag kalat pati mga bugaw ng mga hipong(hipon as in tapon ulo kain katawan) lalake na nagkalat sa Malate na nagbebenta ng kanikanilang mga nota ay nagkalat din. As I remember hindi mo ako hinahayaang tumingin man lang sa kanila may mga bagay talaga sa mundo na ikaw lang ang nakakapag paalala sa akin (BITTER MODE). Ang daming pokpok pag tumikim ba akong isa dadating ka na parang superhero para pigilan ako sa pag tikim ng pinagbabawal?
Iinom nalang ako. Lulunurin ko ang sarili ko sa alak. Sa sobrang dami ng alak na iinomin ko titiyakin kong makakalimutan kita kahit isang gabi lang. PROMISE!! Tequila dito, margarita dun, may shot ng whisky pero ang madalas brandy. Naghalohalo na ang alak sa sikmura ko, umiikot na ang mundo ko pero parang wala pa rin akong tama, until now I can still feel the pain. Parang habang tumatagal at habang dumarami ang iniinom ko wala pa ring nangyayari malakas pa din ako para magsalita, sumigaw at umiyak. They say few drinks will help me to forget you but after one of many I know that I’ll never forget you. Nakakahiya ako, ako na mismo ang sumuko sa laban na ako din naman ang nagsimula, dadating pa din ba yung time na ako naman yung mananalo sa laban yung tipong akin talaga ang huling halakhak?
Ang dami kong naiinom hindi ko na nga alam kung sino ang naghatid sa akin pauwi. Hindi niya amoy ang pabango ni Lara, napangiti ako alam kong kung hindi si lara ang maghahatid sa akin. Ikaw lang ang may lakas ng loob para ihatid ako ng lasing sa bahay namin. Ikaw at wala ng iba. Hindi ko man sigurado pero natulog ako na may ngiti sa aking labi at kilig sa aking utak, I just know it was you embracing me from the back while I’m deeply asleep.*KILIG MUCH.
Pag gising ko mula sa isang panaginip na bitin, nakaramdam ako ng uhaw. Uhaw na alam ko hindi mapapawi ng kahit anong inumin. Humarap ako sa taong nasa likod ko madilim, ang liwanag ng ilaw sa kwarto ng tatay ko ang tanging ilaw na pumapawi sa dilim, kahit na madilim alam kong hindi ikaw ang tao sa harap hindi ikaw ang taong naghatid sa akin sa bahay namin. “Sino ang tao sa likod ko?” Isang malaking tanong sa aking isipan. Gustuhin ko mang sumigaw ngunit pinigil ko ayokong gumawa ng scandalo sa sarili naming bahay. Hinayaan ko ang lahat at bumalik sa aking pag kakatulog aalamin ko nalang ang lahat pag gising ko.
Minulat ko ang aking mata inaakalang isang bangungot lang ang aking nakita kagabi. OMG! Hindi ito nightmare or anything na likha ng aking isisp, totoo ang lalaki sa aking tabi. Gising siya at nakatitig sa akin. Ang panagalan niya ay Darel.
JM at Jared
Jared: good morning po.
J: good morning din (sabay takip sa bibig. Kakagising ko lang kasi)
Jared: dito na ako pinatulog ng tatay mo lasing na lasing ka na kasi kagabi kaya hinatid na kita dito, buti nga dala mo ang I.D mo kaya nalaman ko ang address niyo.
J: ………………….*total shut down of brain.
Jared: I know your confuse as of the moment, pero try at least to ask question para malaman mo kung anong ngyari.
J: ……………………..anong ginawa ko? May nangyari ba sa atin? Sino Ka?
Jared: Nalasing ka kaya tinawagan ako ni Lara. HAHAHHA. Walang nangyari sa atin. Ako si Darel 24 years old from Pasig.
I never thought that a total stranger will come to me not even know me personally will be kind enough to bring me home not even taking advantage of my weakness. I admire him on that. Mahirap palang malasing ng sobra, my expectations is so high that I only get a disappointment in return. I should never drink that hard again at hindi na ako magiging ganun ever.
Salamat kay Jared at hindi niya ako pinabayaan. Thanks to him I’m safe as of the moment at kung hindi dahil sa kanya hindi ko masusulat ang Article/short story/adventure-of-a-life-time na ito. Ang totoo madami pa kaming napag-usapan ni Jared and I guess i-kwekwento ko nalang yun pag sinipag na ulit ako mag-type.
Hindi pa ako totally moved on sa iyo, nobody else can answer all my questions except myself. Ako lang at tanging ako lang ang makakatulong sa sarili ko para makamove-on but of course with a little help of some friends. It’s always been a reason, a reason for me to go to the new chapter of my very own fairy tale. I hope this time it has its own “happy ever after” in the end *crossed finger ;-)
Jhon Mark U. Ramos
No comments:
Post a Comment