Followers

Saturday, October 29, 2011

Story Of Us

     Ang dami kong nakikita. Ang daming nasasaksihan ng mga mata ko na hindi ko aakalain na totoo. Hindi na ako naniniwala sa love, o sa kahit na ano pang same sex love affair. Nawalan na ako ng pag-asa na maiiin-love pa ako, na makikita ko pa si “Prince Charming”. Parang wala na kasing pag-asa naubos na yung pisi ng aking patience. Wala na. as in wala na.

     “What’s the point of everything if you don’t have someone that you can share them with”. Hindi naman talaga ako mayaman nakuntento nalang ako sa kung anong meron ako ngayon. We broke-up and everything in my world stop. What the hell!! Lagi nalang siya ang naiisip ko every time I’m facing my laptop. Asan ka na ba?  Hinihintay pa rin kasi kita. Ang weird nga eh parang fairytale ang love life ko yun nga lang hindi happy ending. Ano ba ang definition ng “happy ending” ano bang meron dun at lahat ng prinsesa na kilala ko dun nauwi ang love story sa happy ending. Tayo kaya san kaya mauuwi ang love story nating dalawa?

     At the end of the day, ganun pa din ikaw ako at ang matamis nating “Oo”. Hindi ko naman talaga inaalis ang posibilidad na magtagal tayo tulad ng tropa mo at ang “syota” niya o kaya ang best friend ko at ang “baby” niya. Ang akin lang pano kung dumating ang panahon na magsawa na tayo? O kaya makahanap pa tayo ng mas higit pa sa akin at mas higit pa sa’yo. There are so many possibilities yet few chances of having this love affair a worth fighting and worth the care. Ikaw ako at ang matamis nating “Oo”.

     Ang sabi mo “love is unfair”. Lahat ng love story nauwi lang sa misery at failure. Remember the first question I ask you when we first met? “But how should be the script of this kind of romance be written to disqualify it from being unfair?”. And you just laugh. Saying “sana nga ikaw na ang fair love ko”. Sa sobrang haba  ng usapan hindi ko na alam kung paano, kalian at kung saan ako magsisimula. Ang tanong ko lang “naging fair ba ang love story natin?”. Please answer me with a yes.

     Asan na ba tayo ngayon? Asan na ang perfect love story na gusto nating makamit. Asan na yung love story natin? Bakit parang nauuwi na ang lahat sa kung saan hindi naman dapat dun. Why we always end up with tears every time we fight. Why do we always end-up running toward each other. Bakit ba hindi na natin maiintindihan ang isa’t isa. Parang hindi mo na ako kilala, parang hinid na din kita kilala.

     Naglolokohan nalang ba tayo? O pinapahaba nalang natin ang kwento? Naglalaro nalang ba tayo?  Sana kahit papaano sabihin mo para makasali ako at hindi lang maging panabla. Mahal mo pa ba ako o natatkot lang tayong aminin ang totoo sa isa’tisa. Aminin nalang natin para tapos na.

     Ang pagamin ba sa katotohanan ang magpapalaya sa ating dalawa? O lalo lang nito paguguluhin ang lahat? Hindi ko alam kung saan nagsimula ang kwento natin, kaya siguro hindi ko na din alam kung paano tapusin. Kung ako ang tatanungin ayoko pa kung ikaw ba ang masusunod ano ang magiging sagot mo?

     It’s been a weird relationship. We fight then we make up then fight again and then end up making up again. Hindi ako nagsawa, hindi ako nagsasawa at kahit kalian hindi ako magsasawa sa daily routine ng love life natin. Naniniwala ako at hindi kalian man nag duda. Ikaw ang “Perfect Love Story” ko ikaw at wala ng iba. Dumating man ang panahon na hindi na natin matagalan ang isa’t-isa hindi ako papalag basta ipangako mo lang na at the end of the day this will be our “Perfect Love Story.”

Sad to say, hindi lahat ng relationship sa simbahan ang tuloy. May mga relationship na natatapos at hindi na nasusundan.I guess this is the ending. I think this is the final chapter of our love story

No comments:

Post a Comment