Madaming tao sa mundo, sa sobrang dami ng makakasalubong mo bibihira lang ang makikilala mo. Sila yung mga tipo ng tao na tanggap ka ano ka man o sino ka man, para sa kanila "walang mali sa'yo, puro lahat tama".
Nang pumasok ako sa PUP(Polytechnic University of the Philippines) ang lima na 'to ang tumanggap ng buong-buo sa pagkatao ko(sabi nila di pa daw sure kung tao ako c:). Isa sila sa mga naging pandayan ng aking emosyon at sanhi ng aking pag tawa hayaan niyo naman na malaman niyo kung sino-sino sila.
Hegino Muegue- "Mr. Tall, Dark." matalino siya. Isa sa mga hinahangaan kong character niya ay ang pagiging matalino. Iba siya, matalino pero hindi "nerd" materialistic siya pero sapat lang para maging premyo sa mga fulfillment niya. Siya na ata ang may pinaka madaming alam sa amin tungkol sa mga latest gadgets and details about them. Masayang kasama, hindi niya hinahayaan ang ka itiman niya ang maging sanhi ng pag layo nga tao sa kanya bagkus ito ang ginamit niya para dumami ang tunay na kaibigan niya.
Rizza Licayan- "Ms Chickbone" pano ko ba idedescribe ang isang tulad niya. Siya siguro yhung tipo ng tao na laging patawa, yung tipong mukha palang "super tawa" na ang dulot sa amin. Mababaw lang ang pangarap niya yun ay ang yumaman(kasi kahit facebook account niya ginagawa niyang tindahan ng kung ano-ano), bakit sino ba naman ang ayaw yumaman diba.?! Mapili siya sa kaibigan, pero once you become her friend friends na kayo habang buhay
Honeylyn Daza- "Ms. Crush ng Bayan" dyosa kung ituring ng iba, pero para sa amin katulong lang siya(hahhaha joke lang) matalino din siya(well, lahat naman kame matalino eh.)pero siya she has 'Beauty and Brain' na talaga naman hahangaan ng iba. Siya yung tipo ng tao na alam mong kaibigan mo. You don't have to explain why ang mahalaga kaibigan mo siya.
Carissa Dtablan- "Ms. Banat" kung ganda ang paguusapan walangg tatalo sa akin (next lang sila ni honey)pero siya may ganda at busilak na puso. May pagkatao na "unique" pero minsan "weird" ganyan naman siguro lahat ng tao, may kanya-kanyang pagkatao at yun ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi niya kailangan na maging iba para humanap ng totoong kaibigan.
Jessica Oandasan- "Ms. Brainiac" Smart and talented at may takot sa diyos yan ang mga salita na best describe this awesome lady. Mejo childish pero alam kong matured nang magisip. Malabo man ang mata pero malinaw ang isip at puso para kumilala ng mga totoong tao na nakapaligid sa kanya. Hindi siya judgmental kaya para sa kanya lahat ng tao ay pantay pantay tulad ng ng pagtingin ng Diyos sa atin.
Ilan lamang sila sa mga tunay kong kaibigan na tumanggap ng walang halong panghuhusga at ano pa man. Sila ang mga tao na mahalaga para sa akin. Kundi dahil sa kanila ano na kaya ako ngayong college life ko.
Thanks guys all cheers to all of us..
In case nahanap mo na ang mga tao na tumanggap sa'yo ng walang halong duda, just peace of advice wag mo na silang pakawalan ;)
No comments:
Post a Comment